Isa sa mga responsibilidad ng mga magulang ay ang pag-aralin ang kanilang mga anak. Parang sa mga anak, obligado din sila na mag-aral ng mabuti kapalit ng mga sakripisyo sa kanila ng mga magulang nila. Ang hindi ko lang maisip ay kung bakit kelangan magkaroon ng mataas na expectation ang mga magulang para sa anak nila. Oo, gusto lang nilang maging “da best” ang anak nila kung ikukumpara sa ibang bata, pero diba minsan nagiging unfair na rin sa side nung bata?
Nag-aaral naman ako ng mabuti. Hindi naman ako bobo at babagsakin. Hindi rin akong yung masasabing commoner lang sa school kase meron din naman akong org na pinamumunuan. Kumbaga, konting pasikat lang ang kaya kong gawin. Eh hindi iyon ang gusto ng mommy ko. Pasado ang mga grades ko, pero kulang pa rin yun sa kanya..bakit? Kasea ang gusto nya, sooobbrraanngg taas dapat ng mga grades ko. Eh ang hirap naman yata nun kase graduating ako, at meron pa kong thesis. Nadismaya sya nung hidni na kasing tatatas nung dati yung grades ko.. Tingin nya, pinapabayaan ko daw. Sos naman, parang hindi sya dumaan sa pagka estudyante eh!
Hindi din madaling maging estudyante. Hindi din madaling manghingi sa mga magulang. Alam ko, nahihirapan sila, pero sana naman, naiintindihan din nila ako kahit papano. Kulang-kulang isang taon na lang naman hihintayin nya para sarili nya na lang yung isipin nya…
bakit ako naghihimutok ngayon? Isipin mo, tourism ang course ko, may mga gala yan kung saan-saan.. Tapos syempre pamasahe mo pa sa school araw-araw tsaka pang lunch mo.. diba ang hirap kung kasing laki nung nasa title yung ibabawas sa allowance mo?! demmet.. kelangan ko na yata ng sugar daddy..
sigh..sigh..

sabi nila...